MOLAVE THEATRE GUILD

Commitment.Passion.Discipline

0 notes

The past and present officers of the Molave Theatre Guild with Mr. Davidson Oliveros and Mr. Bely Ygot.

Credits to: MJ Gutierrez and John Ray Fremista

0 notes

papel

“Tahakin ko man ang tulay na nag-uugnay sa`tin;
Mapatigil ko man ang ulan na sumira ng pag-iibigan natin
`Di na maibabalik ang simula bago pa natin ito buoin.”

Ilang pilas pa ba ng papel ang pupunitin ko?
Ilang paglamukos pa ba mula sa pinilas na papel ang gugugulin ko?
Ilang pagbato pa ba mula sa pinilas hanggang sa nilamukos na papel ang gagawin ko?
Sa totoo lang, tinapos mo na agad ang ugnayan

na meron tayo…
Sinimulan mo sa pagpilas;
hindi perpekto…
may mali…
kaya pinunit.
Sinegundahan mo ng paglukot;
lukot na ang kasalukuyan…
handa na ang pagbukas at tuluyang pagkalimot sa nakaraan…
Mangangahas na baka sa puntong `to Ako`y;
lumigaya…
makadama ng saya…
kahit sa piling na ng iba.
Pinilas mo ako
Nilukot…
Itinapon para palitan..;
sa kadahilanang ako`y hindi mo na kailangan.
“Minsan na akong nagkamali
Ako’y muling uulit, susubok…
at umaasang sa panibagong pahina ay maitatama ang aking mga naging mali sa nakaraan.”  
-ybes ong (Molave Literary Group)

Filed under papel literatura